Maso at Panitik

Ang MASO AT PANITIK ay samahan ng mga aktibistang alagad ng panitikan na nagsusulong ng kaisipang Marxismo at Leninismo sa pambansang kamalayan na ang adhikain ay ang pagtatayo ng lipunang sosyalismo!

Biyernes, Pebrero 7, 2014

Ka Popoy


Ipinaskil ni tibak noong 2/07/2014 06:40:00 AM Walang komento:
Mga Mas Bagong Post Mga Lumang mga Post Home
Tingnan ang mobile na bersyon
Mag-subscribe sa: Mga Post (Atom)


Archive sa Blog

  • ►  2026 (296)
    • ►  Abril (26)
    • ►  Marso (99)
    • ►  Pebrero (79)
    • ►  Enero (92)
  • ►  2025 (868)
    • ►  Disyembre (77)
    • ►  Nobyembre (86)
    • ►  Oktubre (102)
    • ►  Setyembre (70)
    • ►  Agosto (68)
    • ►  Hulyo (68)
    • ►  Hunyo (84)
    • ►  Mayo (27)
    • ►  Abril (44)
    • ►  Marso (98)
    • ►  Pebrero (73)
    • ►  Enero (71)
  • ►  2024 (925)
    • ►  Disyembre (62)
    • ►  Nobyembre (56)
    • ►  Oktubre (82)
    • ►  Setyembre (50)
    • ►  Agosto (89)
    • ►  Hulyo (80)
    • ►  Hunyo (92)
    • ►  Mayo (83)
    • ►  Abril (64)
    • ►  Marso (120)
    • ►  Pebrero (72)
    • ►  Enero (75)
  • ►  2023 (616)
    • ►  Disyembre (45)
    • ►  Nobyembre (8)
    • ►  Oktubre (19)
    • ►  Setyembre (32)
    • ►  Agosto (23)
    • ►  Hulyo (23)
    • ►  Hunyo (42)
    • ►  Mayo (130)
    • ►  Abril (97)
    • ►  Marso (62)
    • ►  Pebrero (70)
    • ►  Enero (65)
  • ►  2022 (682)
    • ►  Disyembre (62)
    • ►  Nobyembre (55)
    • ►  Oktubre (47)
    • ►  Setyembre (24)
    • ►  Agosto (17)
    • ►  Hulyo (40)
    • ►  Hunyo (76)
    • ►  Mayo (43)
    • ►  Abril (59)
    • ►  Marso (118)
    • ►  Pebrero (80)
    • ►  Enero (61)
  • ►  2021 (883)
    • ►  Disyembre (14)
    • ►  Nobyembre (67)
    • ►  Oktubre (81)
    • ►  Setyembre (43)
    • ►  Agosto (136)
    • ►  Hulyo (41)
    • ►  Hunyo (70)
    • ►  Mayo (157)
    • ►  Abril (122)
    • ►  Marso (60)
    • ►  Pebrero (68)
    • ►  Enero (24)
  • ►  2020 (800)
    • ►  Disyembre (17)
    • ►  Nobyembre (15)
    • ►  Oktubre (77)
    • ►  Setyembre (73)
    • ►  Agosto (67)
    • ►  Hulyo (80)
    • ►  Hunyo (80)
    • ►  Mayo (87)
    • ►  Abril (140)
    • ►  Marso (57)
    • ►  Pebrero (51)
    • ►  Enero (56)
  • ►  2019 (381)
    • ►  Disyembre (47)
    • ►  Nobyembre (62)
    • ►  Oktubre (55)
    • ►  Setyembre (61)
    • ►  Agosto (49)
    • ►  Hulyo (26)
    • ►  Hunyo (17)
    • ►  Mayo (19)
    • ►  Abril (24)
    • ►  Marso (15)
    • ►  Pebrero (4)
    • ►  Enero (2)
  • ►  2018 (1)
    • ►  Disyembre (1)
  • ▼  2014 (2)
    • ►  Abril (1)
    • ▼  Pebrero (1)
      • Ka Popoy
  • ►  2013 (1)
    • ►  Setyembre (1)
  • ►  2012 (8)
    • ►  Abril (1)
    • ►  Marso (1)
    • ►  Pebrero (2)
    • ►  Enero (4)
  • ►  2011 (25)
    • ►  Disyembre (3)
    • ►  Nobyembre (6)
    • ►  Oktubre (2)
    • ►  Setyembre (2)
    • ►  Agosto (6)
    • ►  Hulyo (3)
    • ►  Hunyo (2)
    • ►  Enero (1)
  • ►  2010 (26)
    • ►  Disyembre (5)
    • ►  Nobyembre (3)
    • ►  Oktubre (3)
    • ►  Setyembre (15)

"Attention must be devoted principally to raising the workers to the level of revolutionaries; it is not at all our task to descend to the level of the “working masses.” - Lenin, What Is To Be Done?, “The Primitiveness of the Economists and the Organization of the Revolutionaries” (1901)

"When communist artisans associate with one another, theory, propaganda, etc., is their first end. But at the same time, as a result of this association, they acquire a new need — the need for society — and what appears as a means becomes an end. ... the brotherhood of man is no mere phrase with them, but a fact of life, and the nobility of man shines upon us from their work-hardened bodies." - Marx, Human Needs & the division of Labour (1844)

Ang MASO AT PANITIK ay isang samahan ng mga makata at manunulat para sa uring manggagawa at masa ng sambayanan. Ang tema ng kanilang mga sulatin ay hinggil sa pakikibaka ng proletaryado, at pagwasak sa relasyon ng pribadong pag-aari ng mga kagamitan sa produksyon dahil ito ang ugat ng kahirapan. Sa panitikan ngayon, laganap pa rin ang kaisipan ng burgesya, mayayaman, kapitalista, at mga elitista. Sa kabilang banda’y laganap din ang nagsusulong ng kaisipang makabayan at pambansang demokrasya. Di dapat sa ganito lamang mauwi ang panitikan.

Para sa grupong MASO AT PANITIK, internasyunalismo at sosyalismo ang dapat lumaganap ngayon. Kaya nagkaisa ang ilang mga sosyalistang makata at manunulat na dapat gamitin ang literatura para sa pagsusulong ng kaisipang sosyalismo sa uring manggagawa at masa ng sambayanan. Tungkulin ng mga kasapi ng MASO AT PANITIK ang pagmumulat sa madla tungo sa adhikaing pagbabago at pagkakapantay sa lipunan hanggang sa maitatag ang isang lipunang sosyalismo.


10 Katangian ng Sosyalismong Tinitindigan ng BMP

Isa mga pangunahing dahilan ng pagbaklas ng BMP sa KMU ang magkaibang tindig ng dalawang samahan sa oryentasyon ng kilusang paggawa - magkakasya na lamang ba ang mga manggagawa sa pagsusulong ng pambansang demokrasya o ipaglalaban nila ang isang lipunan na bubuwag sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala?

Sa ilalim ng pambansang demokrasya, iinam ang kalagayan sa paggawa ng mga manggagawa. Subalit mananatili silang alipin ng kapital - mga sahurang alipin na binubuhay lamang para lumikha ng yaman na hindi sa kanila.

Sa sosyalismo na tinitindigan ng BMP, ipapalit ang isang sistema na walang pagsasamantala at pang-aapi sa sinuman. Isang sistema na magtataglay ng sumusunod na katangian:

1. Lipunang walang mga uri. Lipunan na hindi hinahati, hindi sinisino o kinikilala ang tao sang-ayon lamang sa uri niyang kinalalagyan.

2. Lipunang walang imperyalismo at imperyalistang pagsasamantala. Lipunang wawakas sa kapitalismo at kapitalistang pagsasamantala.

3. Lipunang walang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon. Lipunang nakapundar sa sosyal na pagmamay-ari ng mga kasangkapan at mga produktong nililikha nito.

4. Lipunang hindi pinatatakbo ng 'free market' o nakapundar lamang sa tubo at paghahangad ng limpak na tubo. Lipunang nakaplano ang ekonomiya sang-ayon sa layuning ipagkaloob ang lahat ng pangangailangan ng tao.

5. Lipunang ang estado ay pinatatakbo ng mga manggagawa. Lipunang ang buong populasyon ay bahagi ng armadong hukbo ng bayan.

6. Lipunang ipinatutupad ang ganap na demokrasya sa pamamagitan ng direktang partisipasyon ng bawat tao sa gobyerno at sa lahat ng usaping hinaharap ng lipunan.

7. Lipunang ipagkakaloob ang lahat ng pangangailangan ng tao - trabaho sa lahat, libreng pabahay, libreng edukasyon sa kabataan, libreng gamot at pangangalaga sa kalusugan, at marami pa. Ang mga ito ay hindi pribilehiyo kundi karapatan ng bawat mamamayan.

8. Lipunang ang mga pagawaan ay patatakbuhin ng mga manggagawa mismo (workers' self-management).

9. Lipunang ganap na magpapalaya sa kababaihan mula sa pang-aapi sa pagawaan at sa loob ng tahanan.

10. Lipunang bibigkis sa pinakamalawak na pagkakaisa ng buong sangkatauhan.


Pahayag ng mga Prinsipyo (KPML)

mula sa Saligang Batas ng KPML, Artikulo 2

Seksyon 4. Bilang sosyalistang organisasyon, itinatakwil ng KPML ang pribadong pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, dahil ito ang pinag-uugatan ng malaganap na kaapihan, kahirapan at pagsasamantala ng tao sa kapwa tao.

Seksyon 8. Naniniwala ang KPML na maaaring baguhin at lumaya ang mamamayan sa kahirapan at kawalang katarungan kung ganap na maitatayo ang isang sosyalistang lipunan at paglikha ng yaman na aariin ng lahat sa halip na iilan lamang at magkaroon ng tunay na kasaganaan para sa lahat ng mamamayan.

Seksyon 9. Naniniwala ang KPML na ang isang sosyalistang kaayusan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng mahigpit na pagkakaisa, sama-sama at tuloy-tuloy na pagkilos ng mga maralita ng lunsod, ng mga manggagawa, at ng buong sambayanan.


Mula sa Praymer ng PLM (Partido Lakas ng Masa)

7. Bakit partido ng sosyalismo?

Naniniwala ang PLM na ang kapitalismo ay isang bulok na sistema na dapat lamang palitan ng sistema ng sosyalismo. Ang kapitalismo ay isang sistema na nakapundar sa tubo at paghahangad ng kapitalista ng limpak-limpak na tubo, nakapundar sa pag-aari ng iilan sa kasangkapan para sa paglikha ng yaman at ng lahat ng yamang nalilikha nito, nakapundar sa pagkakahati-hati sa tao sa mga uri (mayaman at mahirap, may pag-aari o wala).

Ang sosyalismo ang kabaligtaran nito. Isang sistema na nakapundar sa pagtugon sa lahat ng pangangailangan ng tao, sa pag-aari ng lahat ng lahat ng kasangkapan sa paglikha ng yaman at ng yamang nalilikha nito, at ang pagbabaklas sa anumang pag-uuri sa mga tao na nagnanakaw ng kanilang dignidad at seguridad sa lipunan.

Ang sosyalismo rin ang kumakatawan sa internasyonalismo, sa tunay na pakikipagkapatiran ng mga manggagawa at anakpawis sa mga manggagawa at anakpawis ng buong mundo. Binabaklas nito ang sistema ng pagkakanya-kanya o pag-iisip lamang ng mga tao sa batayan ng sariling interes, sariling grupo, o sariling bayan. Ang sosyalismo ay pagsasama-sama ng lahat para itayo ang makatarungan at masaganang kaayusan na wawakas sa imperyalista, kapitalista at lahat ng anyo ng pagsasamantala at pang-aalipin sa daigdig.

KATARUNGAN!

KATARUNGAN!

Wakasan ang Impunidad

Wakasan ang Impunidad

Mga tagasunod

A poet in the UP Film Center

A poet in the UP Film Center
Virginia R. Moreno, Founding Director of UP Film Center, wrote: When I was going to be director of the Film Center, some people said: What isa a poet doing in a film center?" Poetry and film are nearer than even poetry and drama. Rhythm is important when you are making a film. Filmmaking is perfect poetry. States of light and dark.

Pananda sa pag-alala at paglaban

Pananda sa pag-alala at paglaban
"Patay na kami, wala pang nangyayari." PANANDA NG PAG-ALALA AT PAGLABAN. Hindi naming malilimutan ang masaker sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009 kung saan namatay ang 58 katao, kabilang ang 32 peryodista't manggagawa sa midya. Patuloy naming isusulong ang Kalayaan sa pamamahayag at lalabanan ang anumang pagsupil dito. (Kuha sa UP College of Mass Communication)
videokeman mp3
Imagine – John Lennon Song Lyrics
Simple na tema. Mga larawan ng tema ni neomistyle. Pinapagana ng Blogger.