Ang MASO AT PANITIK ay samahan ng mga aktibistang alagad ng panitikan na nagsusulong ng kaisipang Marxismo at Leninismo sa pambansang kamalayan na ang adhikain ay ang pagtatayo ng lipunang sosyalismo!
Miyerkules, Abril 1, 2020
Mula lockdown hanggang lock jaw
Mula lockdown hanggang lock jaw
sabi ng isang kakilala, from lockdown to lock jaw
tila nakuha pang magbiro sa panahong ito
o baka naman dahil sa gutom, siya'y seryoso
lalo't ulam lang niya'y ihaw na tuhog sa kanto
siya'y murang tuhog-tuhog ang nilantakan na rin
dahil nagtitipid sa panahon ng COVID-19
paano kung kalusugan niya'y di patawarin
kung magkasakit siya'y paano patatawirin
dahil diyan, baka lockdown to lock jaw na'y mangyari
huwag naman sana, ngunit di tayo mapakali
di ka sa COVID-19 mamamatay, yaong sabi
kundi sa gutom, SA GUTOM, para kang walang silbi
sana kalagayang ito'y bumalik na sa ayos
pananalasa ng salot ay tuluyang matapos
sana maprotektahan din ang mga dukhang kapos
magkaroon din sila ng pagkain at panustos
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento