Huwebes, Mayo 26, 2022

Soneto 98

SONETO 98
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)

Mula sa iyo na sa tagsibol ako'y nawalay
Ipagyabang man ni Abril sa kanyang buong gayak
Diwa ng kabataa'y nilapat sa bawat bagay
Malaking Saturno'y kasamang tumawa't lumundag.
Gayunman, salay ng ibon o amoy na kaytamis
Ng samutsaring bulaklak sa samyo't kulay niyon
Baka sa akin malikha ang kwento ng tag-init
O bunutin sa kandungan nila kung laki roon;
Ni sa kaputian ng liryo'y di ako nagtaka
Ni purihin ang rosas sa pagkapulang kaytindi
Silang anong tamis bagamat anyo'y kaysasaya
Iginuhit matapos mong ayusing makandili
Datapwat taglamig pa rin, malayo ka na't wala
At sa anino mo'y naglaro akong walang sawa

- gregoriovbituinjr.
05.26.2022

Tugmaan:
abab - katinig na mahina a; katinig na malakas a;
cdcd - katinig na malakas i; katinig na mahina o;
efef - patinig na walang impit a; patinig na walang impit i;
gg - patinig na may impit a

SONNET 98
from the book The Sonnets by William Shakespeare, Collins Classics

From you have I been absent in the spring,
When proud-pied April, dress'd in all his trim,
Hath put a spirit of youth in every thing,
That heavy Saturn laugh'd and leap'd with him.
Yet nor the lays of birds, nor the sweet smell
Of different flowers in odour and in hue,
Could make me any summer's story tell,
Or from their proud lap pluck them where they grew;
Nor did I wonder at the lily's white,
Nor praise the deep vermilion in the rose:
They were but sweet, but figures of delight;
Drawn after you, you pattern of all those.
Yet seem'd it winter still, and, you away,
As with your shadow I with these did play.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento